MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Iran ang pagwalis sa Group C nang talunin ang nagdedepensang China, 70-51, kagabi.
Ito rin ang ginawa ng KaÂzakhstan sa Group D sa paÂmaÂmagitan ng 80-67 panaÂlo sa India.
BuÂÂmalikwas naman kaagad ang South Korea mula sa pagkataÂlo noÂong BiyerÂnes laban sa Iran nang kuÂnin ang 80-58 panalo kontra sa Malaysia.
May 21 puntos si MikÂhail Yevstigneyev paÂÂra pangunahan ang KaÂÂzakhstan sa pagÂpaÂpaÂÂlasap sa India ng ikaÂlaÂwang pagkatalo matapos ang tatlong laÂro.
Si Seung Jun Lee ay may 18 puntos para sa Koreans na tinapos ang laro sa Group C mula sa 2-1 karta.
Kinuha naman ng QaÂÂtar ang unang puwesÂto sa Group B sa 2-0 karÂta matapos ilampaso ang Hong Kong, 87-64.
May 1-1 baraha ang Japan kasunod ang Hong Kong (0-2).
Hindi nakaisa ang Hong Kong sa dalaÂwang laro pero aabante pa rin sa second round daÂÂhil tatlo lamang silang magkakasama sa grupo.
PinaÂtaÂwan ng FIBA ng four-year ban ang LeÂÂbanon na kasama sana sa Group B.