Norwood naasahan sa depensa sa kanilang panalo sa Jordan

MANILA, Philippines - Hindi tatanggihan ni Gabe Norwood na tanggapin ang pagiging isang defensive specia­list sa Gilas Pilipinas.

Si Norwood ay na­a­asahan sa open­sa sa Rain Or Shine.

Pero sa idinadaos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships, siya ang tinapik ni national head coach Chot Reyes pa­­ra ipantapat sa mahu­husay na scorers ng mga kalaban.

“That’s something I take pride in. I want to de­fend the best player and help the team in any possible way. I just hope coach will give me that chance,” pahayag ni Norwood.

Hindi naman nagka­ma­li si Reyes sa desis­yong ito dahil angkop si Norwood sa trabaho matapos malimitahan  si naturalized Jimmy Baxter sa 14 puntos sa 77-71 panalo ng Gilas kon­tra sa Jordan noong Bi­yernes.

Bago ito ay kumawala ng 30 puntos si Baxter sa 87-91 pagkatalo ng Jordan sa Chinese-Taipei noong Huwebes.

“I can’t take credit for that myself. It was a great game plan by coach and my teammates did a great job in helping me,” wika ni Nor­wood.

Samantala, nagha­handa naman si shooter Gary David na maka­bawi matapos ang hindi magandang ipinakita sa naunang dalawang laro ng koponan kontra sa Saudi Arabia at Jordan.

Ang batikang shoo­ter ay naghahatid lamang ng 3.0 points ave­rage sa naunang da­la­wang laban mula sa masamang 2-of-13 shooting.

“Struggling ako pero ang maganda, may mga nag-step up naman at kung sino ang may ma­gandang inilalaro,” wi­ka ni Da­vid. (ATan)

 

Show comments