MANILA, Philippines - Hindi nababahala si Gilas National coach Chot Reyes sa di magandang panalo na nakuha ng koponan laban sa Kingdom of Saudi Arabia noong Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“I’m not really alarmed. We got off to a good start and then we relaxed. I expected that we really will have a difficult time against them and I’m just glad we were able to come out of this game with a victory,†wika ni Reyes sa 78-66 panalo sa KSA.
Ang mga susunod na laban sa Group A ay mahihirap din pero naniniwala siyang lalabas na ang tunay na laro ng koponan lalo na’t wala na ang opening jitters at may linaw na ang kanilang scouting reports sa mga kalaban.
Kinaharap ng Gilas ang Jordan kagabi habang ang Chinese Taipei ang tatapos sa asignatura sa Group A ngayong gabi.
“We have a very good idea on how they play. I have no worries with the players and they are gonna respond in the way we expect them. It’s just a matter of who is able to impose its own game,†sabi pa ni Reyes.
Isang manlalaro na nais niyang makitang lumabas ang laro ay si Gary David na gumawa lamang ng 2-of-11 shooting sa unang laro.
“I hope he find his touch because we need his shooting,†dagdag ni Reyes.
Samantala, ipinakita ng Chinese Taipei ang kanilang kahandaan na dominahin ang Group A nang ilampaso ang Saudi Arabia, 90-67 sa pagpapa-tuloy ng aksyon kahapon.
Nagpakawala ng 17 tres ang Taiwanese team upang tabunan ang 91-87 dikitang panalo sa Jordan tungo sa 2-0 baraha.
Nakabangon din ang China mula sa 59-63 pagkatalo sa Korea sa pagbubukas ng torneo nang ilampaso ang Malaysia, 113-22.
Hindi pinaglaro si Yi Jianlian bunga ng panana-kit pa ng hamstring injury nito pero hindi ramdam ang kanyang pag-upo dahil sa ibinigay na 17 puntos, 5 assists at 3 rebounds ng NBA veteran na si Wang Zhizhi sa 18 minutong paglalaro.
Ang pagkatalo ng Malaysia at Saudi Arabia ay ikalawang sunod para mamaalam na sa paghahabol sa unang tatlong puwesto na aabante sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa 2014.
Matapos kunin ng Saudis ang first period, 16-14, kumayod naman ang Nationals para angkinin ang 35-28 halftime lead patungo sa 57-44 bentahe sa dulo ng third quarter.
Itinala ng Gilas ang isang 16-point lead, 66-50, mula sa basket ni Gary David sa 6:06 ng final canto bago nakalapit ang Saudi Arabia sa 62-70 buhat kina Mathna Almarwani, Aymam Almuwallad at Mohammed Almarwani sa 2:20 ng laro.