DETROIT -- Muling gumawa ng aksyon ang Detroit Pistons sa offseason matapos kunin si Brandon Jennings sa hangaring wakasan ang kanilang kamalasan sa nakaraang apat na seasons.
Nakuha ng Detroit ang point guard mula sa Milwaukee Bucks bilang kapalit ni point guard Brandon Knight at dalawa pang player, ayon sa isang source.
Sinabi ng source sa The Associated Press na hindi pa pormal na inihahayag ang nasabing trade. Puma-yag si Jennings sa isang $24 million, three-year contract sa Pistons.
Ibibigay naman ng Detroit sina Ukrainian center Viacheslav Kravtsov at forward Khris Middleton.
Naging aktibo ang Detroit ngayong offseason matapos kunin sina free agents Josh Smith, Chauncey Billups at Lui-gi Datome at pinabalik si Will Bynum.