Imbes na maliit na delegasyon, lalaki ang bilang ng SEAG bets
MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na hindi masusunod ang naunang plano ng POC at PSC na magpadala lamang ng maliit na bilang ng manlalaro para sa Myanmar SEA Games.
Lumabas ito kahapon nang ihayag sa POC Ge-neral Assembly meeting sa Manila Golf Club sa Makati City ang pagbubukas ng pintuan sa mga developmental athletes na may potential para masama sa Pambansang delegasyon patungong SEA Games na gagawin sa Disyembre.
Si POC chairman Tom Carrasco Jr. ang siyang nagtulak sa ganitong hakbang upang bigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na may potensyal na makaranas ng kompetisyon tulad ng SEA Games.
Ginawa na ito ni Carrasco noong siya ang Chief of Mission sa 2002 Busan Asian Games sa Korea.
“Ang mga NSAs in good standing ay maaa-ring magnomina ng isang lalaki at isang babae na developmental athletes para ikonsidera sa Myanmar SEA Games. Kahit ang mga NSAs na may ilalaban sa elite ay maaari pang magnonima dito pero kailangan pa rin nilang i-justify ang mga ito,†wika ni Carrasco.
Hindi naman siya naniniwala na lalaki ang de-legasyon dahil ito ay bukas lamang sa individual sports.
Kasabay nito ay inihayag din na puwede pang masama ang delegasyon ng football at women’s basketball lalo na kung maipapakita ng mga NSAs na may potensyal ang mga ito na manalo ng ginto base sa resulta ng mga nilahukang kompetisyon.
Pinalawig na rin ang basehan para masama ang isang atleta mula 2011 Indonesia SEA Games hanggang sa sinalihang kompetisyon sa taong ito.
“Two years na ang Palembang kaya dapat na isama ang mga performances nila sa taong ito dahil baka mas malaking events ng napapanalunan nila ngayon. Mas specifics ang criteria ngayon di tulad noong una na gold medal potensyal dapat ang isasama,†ani Carrasco.
- Latest