Rookie Larkin pinapirma ng Mavs

DALLAS  -- Pinapirma ng Dallas Mavericks  ang kanilang first-round pick na si Shane Larkin, na posibleng hindi pa makakalaro hanggang sa training camp sa October dahil sa nabaling right ankle.

Inaasahang kikita si Larkin ng $1.28 million sa unang season ng point guard base sa rookie salary scale.

Dalawang beses nag-trade ang Mavericks sa draft bago nakuha ang rights kay Larkin, anak ng Hall of Fame shortstop na si Barry Larkin. Kinuha siyang 18th pick ng Atlanta.

Tinulungan ni Larkin ang Miami sa kanilang unang Atlantic Coast Conference title at No. 2 seeding sa NCAA tournament. Pinangunahan niya ang Hurricanes sa  14.5 points at 4.6 assists per game.

Nabali ang ankle ng  5-foot-11 na si Larkin habang nagpa-practice para sa summer league. Inoperahan siya at kailangang magrekober ng tinatayang 3-buwan.

Show comments