Scola ibinigay ng Suns sa Pacers
PHOENIX – Pinalakas ng Indiana Pacers ang kanilang front-line sa pagkuha kay Luis Scola mula sa Phoenix Suns.
Ibinigay ng Pacers sina forward Gerald Green, center Miles Plumlee at lottery-protected first-round draft pick sa nagre-rebuilt na Suns.
Lumaro si Scola, 6-foot-9 forward mula sa Argentina, ng kanyang unang limang NBA seasons sa Houston Rockets bago napunta ng Phoenix noong nakaraang taon nang ang Suns ang nakapagsumite ng winning bid sa ilalim ng amnesty rule ng liga.
Lumaro siya sa lahat ng 82 games ng Suns at nag-average ng 12.8 points at 6.6 rebounds. Ikalimang beses ito sa kanyang career na nakalaro siya sa lahat ng games.
Si Scola, nag-average ng 14.2 points at 7.5 rebounds sa kanyang NBA career, ay napasama sa team na inaasahang magiging contender sa Eastern Conference matapos lumaro sa Suns na nagsumite ng pinakamasamang record sa Western Conference at second-worst sa history ng kanilang prangkisa.
- Latest