Knights diretso sa 7-panalo
MANILA, Philippines - Sumakay ang Letran sa inspiradong paglalaro ni Mark Cruz upang manatiling malinis matapos ang 87-68 dominasyon sa Mapua sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Cruz bitbit ang 22 puntos, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals at pinamunuan ang mainit na pani-mula sa first half ng Knights para isulong ang malinis na baraha sa 7-0 record.
May 13 puntos at 14 rebounds ang 6’7†center na si Raymond Almazan habang si Jonathan Belorio ay may 12 at ang tropa ni coach Caloy Garcia ay nagsosolo pa rin sa liderato papasok sa dalawang linggong bakasyon ng liga upang magbigay-daan sa FIBA-Asia Men’s Championships.
“Importante ang panalong ito para may agwat pa rin sa San Beda going into the break,†wika ni Garcia.
Magkasunod na puntos galing kay Cruz na nasundan ng tres ni Jovit Tambeling ang nagresulta sa 25-8 kalamangan ng Knights matapos ang unang yugto.
Dalawa pang tres ni Tambeling ang nagpalobo sa kalamangan ng Letran sa 20-puntos at hindi na lumi-ngon pa ang koponan tungo sa magarang panalo.
Naghatid ng 17 puntos at 10 rebounds si Kenneth Ighalo para sa Cardinals na lumasap ng ikalimang sunod na kabiguan tungo sa 1-6 karta.
Ang tagumpay ng Knights ay pambawi ng Letran matapos ang 66-58 pagkatalo ng Squires sa kamay ng Mapua Red Robins sa juniors division.
Umangat ang Mapua sa 4-3 habang 3-4 ang karta ng Letran.
Winakasan naman ng EAC-ICA ang anim na sunod na kabiguan sa 80-63 paglampaso sa Lyceum na bumaba sa 0-7 baraha.
- Latest