Melindo nabigong agawin kay Estrada ang 2 titulo

MANILA, Philippines - Kabiguan ang nalasap ni Filipino mandato­ry challenger Milan Melindo sa kanyang unang title fight.

Ito ay matapos siyang talunin ni Mexican world flyweight champion Juan Francisco Es­trada via unanimous de­cision noong Sabado ng gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau, China.

Bagama’t naging ag­resibo si Melindo sa laban ay naging epektibo na­man ang estratehiya ni Estrada para sa una ni­yang pagdedepensa sa mga bitbit na World Boxing Associatoon at World Boxing Organiza­tion flyweight titles.

Ang WBO belt ni Estrada ay nanggaling kay Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na kanyang tinalo noong Abril. 

Nakakuha ang 23-anyos na si Estrada (25-2-0, 18 KOs) ng 118-109 points kay judge Rafael Santos, 117-109 mula kay Ta­keshi Shimakawa at 118-109 buhat kay Zol­tan Enyedi.

Naputukan ni Estrada sa Melindo sa ilalim ng kaliwang mata sa sixth round at nasugatan sa labi sa seventh round.

Ang magkakasunod na suntok ni Estrada ang nag­pabagsak kay Melin­do sa round 11.

Sa undercard, tinalo ni Genesis Servania (22-0-0, 8 KOs) si da­ting world title challen­ger Konosuke Tomiya­ma (23-6-1, 8 KOs) via technical split decision sa ninth round para ma­pa­natiling tangan ang WBO Asia Pacific super bantamweight belt.

Pinatulog naman ni ban­tamweight Dave Pe­ñalosa (7-0-0, 5 KOs), ang anak ni dating world two-division champion Dodie Boy Peñalosa, si Thai boxer Ngaotawa Sith­saithong (10-11-1, 5 KOs) sa 0:45 sa third round.

 

Show comments