Vang’s Girl hindi napigilan sa Metro Turf
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magandang takbo ng kabayong Vang’s Girl sa bakuran ng Metro Turf Club matapos maÂÂnalo noong Biyernes ng gabi sa race track na nasa MalÂvar, Batangas.
Si RA Alicante ang hinete ng kabayong tumakbo kaÂsama ang coupled entry na Lady Pegasus sa imporÂted class division 13-14 na inilagay sa 1,400-metro disÂtansya.
Kinailangang maipalabas ng hinete ang bangis sa pagÂremate ang Vang’s Girl dahil tila nakaalagwa na ang Gentle Irony sa rekta.
Kumaripas ang Vang’s Girl na hindi binitiwan ang balya para makuha ang unang puwesto halos kalahaÂting dipa ang lamang lang sa Gentle Irony na ginabaÂyan ni Reynaldo Niu, Jr.
Ito ang ikatlong panalo ng Vang’s Girl sa bagong race track at napaboran ang kabayo sa siyam na nagÂlaban, kasama ang dalawang coupled entries, upang maÂkapagbigay ng P9.50 sa win, habang P25.00 ang dibidendo sa 2-4 forecast.
Nanggulat naman ang kabayong El Matador nang manalo sa Handicap race 8 kahit nabugaw sa unang yugÂto ng karerang pinaglabanan sa 1,400-metro disÂtanÂsya.
Si Jessie Guce ang hiÂnete ng kabayo at mula sa labas ay hindi napigil ang malakas na pagdaÂting para tuhugin ang mga naÂsa unahang kabayo.
Halos isang ulo lamang ang naitalang panaÂlo ng El Matador sa Top Meat para masiyahan ang mga dehadistang tumangÂkiÂlik sa karerang sinalihan ng anim na kabayo.
Pumalo sa P30.50 ang ibiÂnigay sa win, habang nasa P410.50 ang dibiÂdenÂdo sa 3-2 forecast.
Magtatapos ang isang linggong pista ngayon sa pagkakaroon ng 13 karera na inihanay ng San LazaÂro Leisure Park sa CarmoÂna, Cavite.
Kasama rito ang dalawang karera na may adÂded prize na P10,000.00 sa mananalo na inilagay sa race two at eight para sa 3YO and Above Maiden at 2YO Maiden sa iisang disÂtansya na 1,300 metro.
- Latest