TMS-Army kontra Cignal para sa korona ng Super Liga

LARO NGAYON

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

1 p.m. PLDT-MyDSL vs PCSO Bingo

3 p.m. Cagayan Valley vs Petron

5 p.m. TMS-Army vs Cignal

 

MANILA, Philippines - Magkakaalaman ngayon kung sino ang kikilalanin bi­­lang reyna sa Philippine Su­per Liga sa pagkikita ng TMS-Philippine Army at Cignal sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Sa ikatlong laro ganap na alas-5 ng hapon magsi­simula ang bakbakan ng dalawang koponan na lu­musot sa semifinals pa­ra manatiling buhay ang paghahabol sa titulo sa ligang inorgansia ng SportsCore at may ayuda pa ng Solar Sports, Mikasa, Asics, PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lonovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.

Magtutuos ang PLDT-MyDSL at PCSO Bingo Mil­yonaryo sa ala-1 ng ha­pon para sa labanan sa ika-limang puwesto bago sundan ng pagkikita ng Cagayan Valley at Petron sa alas-3 para sa ikatlong pu­westo.

Pinalad ang Lady Troopers na malusutan ang Ca­gayan Valley matapos kunin ang 25-22, 25-22, 25-25,10-25, 15-13 panalo sa semifinals.

Galing naman ang HD Spikers mula sa mas madaling 25-20, 25-20, 25-23 tagumpay sa Petron.

Sasandal ang Lady Troopers kina Cristina Sa­lak, Michelle Caroli­no, Ma­ry Jean Balse at Ne­rissa Bautista laban kina Ve­nus Bernal, Honey Royse Tubino at Danika Gen­drauli.

Yumukod ang Cignal sa TMS-Army sa unang pag­kikita sa eliminasyon, 25-22, 25-15, 25-27, 25-18, pero malaki na ang ini­unlad nito.

 

Show comments