Ateneo panalo sa Sto. Tomas

MANILA, Philippines - Hindi tumiklop ang Ate­neo sa pagbangon na ginawa ng UST para sa 61-57 panalo sa 76th UAAP men’s basketball tour­nament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Kiefer Ravena ay may 13 puntos at 8 rebounds at ang kanyang split ang siyang sa kauna-unahang back-to-back wins ng five-time cham­pions ngayong season.

Malakas na panimula ang ginawa ng tropa ni rookie coach Bo Perasol ma­tapos hawakan ang 21-6 bentahe sa first period.

Nakalapit ang Tigers nang isalpak ni Clark Bautista ang isang tres sa huing 29.2 segundo para sa kanilang 57-59 agwat.

Sa unang laro, tinalo na­­man ng UE ang UP, 62-57.

Si Roi Sumang ay may apat na free throws matapos ang 57-57 tabla para mahawakan ng Red Warriors ang ikatlong sunod na panalo.

Nakatulong din sa ta­gumpay ang depensa na nag­resulta sa eight-second violation ni Henry Asilum at stepping violation ni Jason Ligad upang manati­ling bokya ang baraha ng Maroons matapos ang pi­tong laro.

Si Charles Mammie ay may 17 puntos at 22 re­bounds, habang 10 ang ibi­nigay ni Sumang para pi­gilan din ng Warriors na maulit ang 62-48 pagkatalo sa Maroons sa first round sa 75th season.

Show comments