Martin balik sa Knicks

NEW YORK – Kinuha ulit ng New York Knicks si veteran forward Kenyon Martin na pumirma nitong Huwebes ayon kay general manager Glen Grunwald nitong Huwebes.

Ang 6-foot-9 na si Martin ay nag-average ng 7.2 points at 5.3 rebounds sa 23.9 minutong paglalaro sa 18 games (11 starts) sa New York noong nakaraang season.

Sa 12 playoff games, nag-average siya ng 5.8 points, 4.5 rebounds at 1.42 blocks sa 21.1 minutes.

Show comments