Pierce, Garnett maagang haharap sa Boston

NEW YORK – Posibleng bumalik agad sina Paul Pierce at Kevin Garnett sa Boston bago pa magsimula ang NBA regular season.



Binisitahin ng Brooklyn Nets ang Celtics para sa Oct. 23 preseason game na bahagi ng kanilang seven-game exhibition schedule

Maghaharap din ang dalawang koponang ito sa Oct. 15 sa Barclays Center na sinasabing unang matchup ng dalawang naturang team matapos ang blockbuster summer trade na nagdala kina Pierce at Garnett sa Nets kasama si Jason Terry. Lalaro rin ang Nets sa home and away games kontra sa NBA champion Miami Heat. Hindi nila makakalaban ang karibal na Knicks, na karaniwang nakakalalaro nila ng dalawang beses sa preseason.

Show comments