^

PM Sports

Nash posibleng padagdagan ang sustento sa mga anak

Pang-masa

PHOENIX – Sinabi ng Arizona appellate court na posibleng kailangang dagdagan ni Los Angeles Lakers star Steve Nash ang kanyang sustento sa tatlong anak  at hindi maaaring magsalita ang kanyang ex-wife laban sa kanya sa social media.

Ayon sa ruling ng Court of Appeals panel nitong Martes, posibleng ikonsidera ng judge na magdagdag pa si Nash na higit sa ‘’basic needs’ ng mga bata.

Pinagtibay din ang utos ng judge na hindi puwedeng magsiraan si Nash at ang kanyang dating asawa sa social media.

Sinasabing ginamit ni Alejandra Amarilla Nash ang kanyang Twitter account para batikusin si Nash matapos maipormalisa ang kanilang pagdidiborsiyo noong 2011.  Mayroon silang isang anak na lalaki at dalawang babae.

ALEJANDRA AMARILLA NASH

AYON

COURT OF APPEALS

LOS ANGELES LAKERS

MAYROON

NASH

PINAGTIBAY

SINABI

SINASABING

STEVE NASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with