MANILA, Philippines - Isang kaganapang hindi malilimutan hindi lamang ng mga Filipino fans kungdi maging ng itinuturing na hari ng basketball sa mundo na si LeBron James.
Ang isang araw na pagbisita ng 4-time NBA MVP sa Pilipinas ay nangyari kahapon at sulit ang pagtitiyaga ng mga tumangkilik dahil pinasaya sila ni James na magiliw silang hinarap at nagpakita pa ang angking talento sa paglalaro sa loob ng limang minuto sa isang exhibition game sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“You guys got a great future here. They’ve got a lot of energy, its awesome, man. Just keep it going,†wika ni James matapos makasama sa koponan ang mga UAAP stars tulad nina Kiefer Ravena ng Ateneo at Bobby Parks Jr. ng National University na kinalaban ang Gilas National team.
Nanalo ang Gilas, 29-27, matapos maipasok ni Japeth Aguilar ang kanyang attempt habang si James ay sumablay sa sana’y panablang buslo.
“The reason I missed my last two shots is because my jersey is too damn small,†biro ni James.
Sa pulong pambalitaan na unang ginawa, aminado si James na marami na siyang naririnig hinggil sa pagmamahal ng Pinoy sa basketball na ikinukuwento mismo ng kanyang coach sa Miami Heat na si Eric Spoelstra.
“It’s a great culture and Filipino fans are very passionate about what they love and what they believe in. Basketbal is huge, it’s probably the biggest sport over here and fans are very passionate about it,†ani ng 6’9†player na binigyan ang Heat ng dalawang magkakasunod na NBA title.
Bago ang exhibition game ay nakasama si James ni National coach Chot Reyes sa isang clinic para sa U16 team at mismong si James ang nagturo sa mga batang manlalaro.
Aalis si James ngayong umaga at tutungo sa China pero ang magandang pagtrato sa kanya na maaa-ring hindi niya natikman sa ibang bansang binisita ang magtutulak sa manlalaro para bumalik uli.
“I can’t believe this is my first time here. Definitely, it’s not going to be my last,†pangako pa ni James.