Hindi napagrupo ang Gilas Pilipinas sa grupong inaniban ng Lebanon para sa nalalapit na FIBA-Asia Men’s Championships.
Kung nagkataon sana, awtomatikong pasok na ang Gilas Pilipinas sa quarterfinals.
Ang nakinabang tuloy sa pagkakatanggal na Lebanon na nagbunga ng pagkakaiwan ng tatlong teams lamang sa Group A ay ang Qatar, Japan at Hong Kong.
Malayo pa ang August 1-11 na Fiba-Asia tournament na iho-host ng Pinas sa Mall of Asia Arena at Ninoy Aquino Stadium eh sigurado na ang kapalaran ng Qatar, Japan at Hong Kong na awtomatikong makapasok sa quarterfinals
Ang piniling grupo ng Gilas ay ang Group B na kinabibilangan ng Saudia Arabia, Chinese-Taipei at Jordan.
Ang top three teams mula sa bawat grupo ay uusad sa second round, kaya ang mga qualifiers mula sa Groups A at B ang bubuo sa six-team Group E habang ang mga qualifyers mula sa Groups C at D ang bubuo sa six-team Group F.
Ang final eight teams ay magkikita-kita sa crossover knockout quarterfinals para matukoy ang apat na semifinalists na magsasagupa sa crossover games kung saan magmumula ang finalists.
Magkagayun paman, inaasahang kayang-kaya namang pumasok ng Gilas sa susunod na round.