MANILA, Philippines - Sumandal ang San Sebastian sa tikas uli ng mga baguhan para isalba ang 81-74 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si Jaymar Perez ang pinakamakinang sa mga rookies ng Stags nang basagin niya ang huling tabla sa 74-all sa matin-ding tres upang itulak ang koponan sa ikatlong sunod na panalo at patatagin ang kapit sa ikaapat na puwesto sa 4-2 baraha.
Tumapos si Perez taglay ang 20 puntos, 15 rebounds at 4 assists para unti-unting pangatawanan ang taguri bilang pamalit sa dating star na si Calvin Abueva.
Hindi nagpahuli sina Jon Ortuoste at Bradwyn Guinto na siyang umiskor sa huling apat na puntos at kumpletuhin ang 7-0 endgame run.
May 16 puntos si Ortuoste habang si Guinto ay may double-double na 15 puntos at 10 boards.
“Lahat nag-step-up at maganda rin ang depensa namin lalo na sa huli,†wika ni assistant coach Raymond Valenzona na ibinigay ang 2-0 karta bilang pamalit kay head coach Topex Robinson na nasa US pa kasama ang PBA team Alaska Aces.
Limang tres ang pinakawalan ng Stags sa huling yugto at sina Raffy Gusi at Leo de Vera ay nagsanib sa tatlo para manalo ang koponan kahit naiwanan ng Generals, 57-64, sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 57-64.
Ang ikalawang tres ni De Vera na nasundan ng isa galing kay Ortuoste ang pumagitna sa isang free throw ni Noube Happi para hawakan ng Stags ang 74-71 kalamangan.
Pero nakakawala si Jan Jamon sa depensa tungo sa pangganting 3-pointer upang magkatabla ang dalawang teams sa huling 1:09 minuto ng laro.