MANILA, Philippines - Sa pagkawala ng West Asian powerhouse na Lebanon sa 2013 FIBA Asia Championships bilang resulta ng isang four-year suspension, tatlong koponan na lamang ang bubuo sa Group B matapos magdesisyon ang FIBA na huwag nang imbitahan ang sinuman sa Iraq o United Arab Emirates.
Ang Group B ay kinabibilangan ngayon ng Qatar, Japan at Hong Kong.
Ang Japan ay No. 35 sa listahan ng FIBA kasunod ang No. 36 na Qatar, habang No. 71 naman ang Hong Kong.
Palagiang nakakapag-laro ang Qatar at Japan sa FIBA-Asia, samantalang huling nakita sa torneo ang Hong Kong noong 2007 edition sa Tokushima.
Ang Qatar ay ikinukun-siderang dark horse contender sa 27th FIBA-Asia Championships.
Si Wisman, isang Australian national, ay ang dating head coach ng Japan at nakatulong sa paglalaro ng koponan sa Olympic qualification sa 2012 London Summer Games.
Sa kabila ng paggiya sa Japanese team Link Tochigi Brex sa Japan Basketball League title noong 2009-10, nalaman ni Wisman na mas mahirap ang labanan sa Olympic qualification.
Bibiyahe naman ang Japan sa Manila matapos ang 0-7 kampanya sa nakaraang Jones Cup.
Ang kapalit ni Wisman bilang Japan coach ay si dating national player Suzuki Kimikazu.
Kumpiyansa si Kimikazu sa kanilang tsansang makapaglaro sa 2014 FIBA World Championships sa Spain sa likod ni JR Sakuragi.
“Sakuragi plays an important role for this team,†wika ni Kimikazu.