Bynum ipinakilala na ng Cleveland Cavaliers

INDEPENDENCE, Ohio -- Ilang minuto ma­tapos pumirma ng kontrata sa Cleveland, ipina­ngako ni Andrew Bynum na magiging isang playoff team ang Cavaliers.

Ngunit depende ito sa kondisyon ng kan­yang mga tuhod para siya ma­ging starting center ng Cleveland.

“Getting my career on track is my only goal for the season,” wika ni By­num sa pagpapakilala sa kan­ya sa isang press con­fe­rence noong Biyer­nes. “The Cavs have gi­ven me every opportunity to suc­ceed, and we’ve put to­gether a plan. I really be­lieve in the doctors here and the training staff.”

“I want to play a full season, and there is no doubt in my mind I can do that. I’m going to be ready for training camp, that’s the plan,” dagdag pa ng dating sentro ng Los An­geles Lakers at Philadelphia 76ers.

Lumagda si Bynum ng isang two-year, $24 million contract sa Cavaliers para tapusin ang kanyang pamamalagi sa 76ers.

Hindi nakalaro ang se­ven-footer sa kabuuan ng nakaraang season dahil sa problema sa kanyang tu­hod matapos mapasama sa isang four-team trade.

Bagama’t sumailalim si Bynum ng bilateral arthroscopic surgery sa kanyang mga tuhod noong Mar­so, hindi pa rin siya pi­napayagang tumakbo.

Siya ang naging pra­yo­ridad ni Cleveland ge­­­neral manager Chris Grant sa free agency.

“We’re all aware of what his injuries have been,” sabi ni Grant. “He’s also well aware of that and has taken ownership of the process.”

 

Show comments