^

PM Sports

Almazan nagbida sa 5th win ng Letran kontra sa Lyceum

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Raymond Almazan na ang sinasabing pinakadominanteng sentro nga­yong 89th NCAA season.

Ipinakita ito ng 6-foot-7 na tubong Bataan nang ku­molekta ng 19 points, 17 rebounds at 3 shotblocks sa 61-53 paggiba ng Letran College kontra sa Lyceum sa  first round ng 89th NCAA men’s bas­ketball tournament ka­hapon sa The Arena sa San Juan.

Matapos iposte ng Knights ang isang 12-point lead, 46-34, sa third period, nakadikit naman ang Pirates sa 52-55 agwat galing sa jumper ni Mark Anthony Francisco sa 1:45 ng fourth quarter.

Sa likod nina Almazan, pinsan ni PBA player Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra, at rookie Rey Nambatac, muling na­kalayo ang Letran laban sa Lyceum.

“Hopefully, makapagbigay ako ng championship sa Letran bago ako magpa-draft sa PBA this year,” wika ng 23-anyos na si Almazan.

Bago ito, nakuha ng Pi­rates ang first half, 32-31, bago ihulog ng Knights ang isang 14-3 bom­ba para ilista ang ma­la­king 46-34 kalamangan sa third period.

Binanderahan naman ni Issah Mbomiko ang Ly­ceum mula sa kanyang 15 points kasunod ang 11 ni John Azores.

ALMAZAN

BARANGAY GINEBRA

ISSAH MBOMIKO

JOHN AZORES

KERBY RAYMUNDO

LETRAN

LETRAN COLLEGE

MARK ANTHONY FRANCISCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with