Miller magpapaopera ng likod para kunin ng ibang teams mula sa waiver

MANILA, Philippines - Ikinukunsidera ni dating Miami Heat swingman Mike Miller ang isang fusion surgery para ayusin ang bumubukol na disks sa kanyang likod, isang pagbubun-yag na nagdulot ng pagdadalawang-isip sa mga NBA teams na gustong kumuha sa kanya sa amnesty waiver process, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Ilang koponan ang nagpahiwatig ng interes na kunin si Miller bilang isang free agent kung walang kukuha sa kanya.

Dapat munang ipatingin ng naturang mga koponan si Miller na maaaring mangailangan ng surgery.

Isa ang Cleveland Cavaliers sa mga gustong humugot kay Miller at iniisip din nila ang back injury nito, wika ng sources sa Yahoo! Sports.

Ang problema sa likod ni Miller ang nagpaupo sa kanya noong 2011-12 season.

Ikinunsidera na niya ang pagsailalim sa surgery noong 2012.

Ginamit ng Miami ang amnesty provision para makatipid ng $12.8 milyon na natitira sa kontrata ni Miller sa susunod na dalawang seasons.

Babayaran pa ng Heat ang balanse sa kontrata ni Miller kahit na makuha siya ng ibang koponan.

Show comments