Pendergraph nakipagkasundo sa Spurs

SAN ANTONIO -- Nakipagkasundo ang San Antonio Spurs kay forward Jeff Pendergraph para sa isang two-year contract.

Inihayag ito ni Pendergraph bago ang workout ng Spurs sa Arizona State, ang kanyang alma mater.

Naglaro ang 6-foot-9 na si Pendergraph ng dalawang seasons sa Indiana bilang isang reserve player.

Maaari siyang makatulong sa frontcourt ng Spurs na natalo sa Miami sa nakaraang NBA Finals.

Show comments