Kontrata ni Camby iba-buyout ng Raptors

Inaasahang makikipag-usap ang Toronto Raptors kay veteran center Marcus Camby para sa isang buyout sa kanyang natitirang dalawang taon na nagkakahalaga ng $7.5 milyon sa kanyang kontrata, sabi ng league source sa Yahoo! Sports.

Nakuha ng Raptors si Camby sa trade na nagdala kay forward-center Andrea Bargnani sa New York Knicks.  Sinabi ni Camby matapos ang trade na mas gusto niyang maglaro sa isang koponang palaban sa kampeonato.

Ang 38-anyos na si Camby ay naglaro sa Knicks sa nakaraang season. Posibleng magkaroon ng interes sa kanya ang Los Angeles Clippers, Houston Rockets at Chicago Bulls kung magiging free agent siya, ayon sa league source.

Show comments