MANILA, Philippines - Bukod kina LeBron James at Derrick Rose, bibisita rin sa Pinas si Kobe Bryant at posible ring dumating si Michael Jordan.
Inihayag kahapon ng Lenovo Mobile sa kanilang official Facebook site na dadalhin nila si Bryant sa Agosto 12 sa isang promotional tour.
“Kobe Bryant is coming back to Manila! Mark this date, August 12, 2013! Watch this space for more updates,†pahayag ng Lenovo Mobile.
Dumalaw sa bansa si Bryant bilang isang Adidas at Nike endorser sa pagbandera sa mga NBA stars na sina Rose, Kevin Durant, Chris Paul, Tyreke Evans at James Harden para sa dalawang exhibition games ng Smart Ultimate All-Star Weekend noong 2011.
Para naman kay Jordan, ikinukunsiderang pinakamahusay na player na naglaro ng basketball, may mga ulat na plano ng Gatorade na dalhin siya sa bansa bago matapos ang taon.
Hindi ito kinukumpirma at pinasisinungalingan ng Gatorade.
Dadalhin ng Nike si James sa Martes sa Nike Park sa Bonifacio Global City at MOA Arena, habang si Rose ang ipaparada ng Adidas sa Set-yembre.
Sinabi ni Rico Santiago, ang nangunguna sa mga marshalls na nagpamahagi ng 4,000 hanggang 5,000 na libreng tiket sa mga pumila sa Nike Park sa BGC simula pa noong Lunes, na dara-ting si James sa Maynila sa Lunes ng hapon at aalis sa Miyerkules ng umaga.
Kabilang sa mga fans na nakakuha ng libreng tiket ay ang magpinsan na sina Leo Cuaresmo, Charles Jongco at Marvin Mariano mula sa Pasay City at si nurse Kristina Cueva ng Cadiz, Negros Occidental.