Malinis pa rin ang feu

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Terrence Romeo ang pagbibida sa FEU nang maipasok ang dalawang free throws para isantabi ang pagbangon ng National University mula sa ma-laking kalamangan tungo sa 87-83 panalo sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kampante nang hawak ang 19-puntos kalamangan, 81-62, nagpaka-wala ng 21-4 palitan ang Bulldogs na tinapos ng tres ni Robin Rono, para dumikit sa dalawa, 83-85, sa huling 5.5 segundo.

Binigyan ng foul ni Rono si Romeo at malamig na isinalpak niya ang dalawang free throws para manatiling walang talo ang koponang hawak ni coach Nash Racela matapos ang limang laro.

“Maganda ang simula namin pero hindi maganda ang tapos namin. Marami kaming matututunan sa larong ito,” wika ni Racela na hinigitan din ang 4-0 start ng FEU noong nakaraang taon.

Si Romeo ay mayroong 24 puntos, 3  rebounds, 5 assists, 3 steals at may 6-of-10 shooting pa sa 3-point line at ang Tamaraws ay may 15 tres sa 29 na binitiwan na pinakamarami mula noong  2003 season.

Si Emmanuel Mbe ay may 27 puntos at 17 rebounds habang 26 puntos ang ginawa ni Bobby Ray Parks Jr. para sa Bulldogs na nalaglag sa ikatlong puwesto 3-2 karta.

Ipinagdiwang ni Charles Mammie ang kanyang pagbabalik sa UE sa ginawang 20 puntos at 23 rebounds habang key baskets ang ibinigay ni Roi Sumang para sa 72-68 panalo sa 5-time defending champion Ateneo sa unang laro.

Lumayo ang Warriors sa 46-31, pero nanlamig para lumamang ang Eagles sa 67-66, sa buslo ni Frank Golla.

Tinapos ng bataan ni coach David ‘Boysie’ Zamar ang dalawang dikit na kabiguan tungo sa 2-3 baraha. Ininda ng Eagles ang pagkawala ni Ryan Buenafe bunga ng sprain sa second half tungo sa 1-4 baraha.

 

UE 72 -- Mammie 20, Sumang 14, Alberto 14, Casajeros 8, Noble 7, Olivares 5, Santos 2, Javier 2, Olayon 0, Sumido 0, Jumao-as 0, Hernandez 0, Guion 0.

AdMU 68 -- Tiongson 17, Pessumal 12, Ravena 11, Newsome 10, Elorde , Golla 5, Buenafe 4, Erram 4, Asuncion 3, Tolentino 2, Lim 0, Enriquez 0, Capacio 0.

Quarterscores: 18-12; 37-31; 54-54; 72-68.

FEU 87 – Romeo 24, Cruz 13, Mendoza 10, Garcia 9, Tolomia 7, Belo 6, Pogoy 5, Sentcheu 4, Iñigo 3, Jose 2, Hargrove 2, Dennison 1.

NU 83 – Mbe 27, Parks 26, Rono 9, Khobuntin 8, Javillonar 7, Villamor 2, Rosario 2, Alolino 2, Porter 0, De Guzman 0, Alejandro 0.

Quarterscores: 28-16, 45-36, 68-48, 87-83.

Show comments