Splitter pumirma uli sa Spurs

SAN ANTONIO  -- Muling napapirma ng kontrata ng Spurs si center Tiago Splitter matapos ang  produktibong season ng Brazilian center.

Hindi inihayag ang mga detalye ng kontrata  ngunit ayon sa mga balita, ang deal ay nagkakahalaga ng $36 million sa loob ng apat na seasons.

Si Splitter ay naging starter ng 58 sa 81 games at nag-average ng career highs na 10.3 points at 6.4 rebounds.

Naging maganda ang kanilang tandem ni forward Tim Duncan nang makarating ang Spurs sa NBA Finals kung saan umabot sa puntong 28 segundo na lang ang layo sa titulo sa Game 6 bago naghabol ang Miami at nanalo ng series sa seven games. Ang 28-gulang na si Splitter ay kinuha ng Spurs sa huling bahagi ng first round sa 2007 draft ngunit nakalaro ito makalipas pa ang tatlong taon. Lumaro siya ng 10-years sa Spanish League matapos pumirma sa edad 15.

Show comments