MANILA, Philippines - Naibigay ni JP Erram ang numerong hinahanap sa kanya at ang five-time defending champion Ateneo ay nakatikim din ng panalo, 71-59, kontra sa Adamson sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May 12 puntos at 12 rebounds ang 6’7†center na hindi starter habang sina Juami Tiongson at Ryan Buenafe ay nanalasa rin para wakasan ng tropa ni coach Bo Perasol ang tatlong sunod na pagkatalo.
“This is an answered prayers for us,†wika ni Perasol na tumanggap ng mga kritisismo matapos ang di magandang pa-nimula ng koponang dinomina ang liga sa huling limang taon.
“They are the top rebounding team and we are the last and we have to bridge that gap and I think we did well,†dagdag ni Perasol na nanalo sa rebounding sa Falcons, 49-37.
Si Tiongson ang na-nguna sa kanyang 15 puntos, si Buenafe ay may 11 puntos, 12 rebounds at 9 assists habang si Chris Newsome ay may 10 pa.
Naglaro na rin si Kie-fer Ravena at kahit limitado ang kanyang puntos na apat, ang presensya niya sa court ay nakatulong para tumaas ang kumpiyansa ng Eagles.
May 21 puntos si Jericho Cruz para sa Falcons na ramdam ang pagkakaroon ng shoulder injury ni Ingrid Sewa at nagkaroon lamang ng apat na puntos para bumaba ang host school sa 2-2 baraha.
Apat na manlalaro ng National University ay gumawa ng 10 puntos pataas tungo sa 74-60 panalo sa UP sa unang laro.
May 18 puntos si Parks habang 15 ang ibi-nigay ni Emmanuel Mbe pero sina Gelo Alolino at Troy Rosario ay naghatid ng pinagsamang 22 puntos para lalong lumalim ang opensa ng Bulldogs na umangat sa 3-1.
Ito naman ang ikaapat na sunod na kabiguan ng Maroons na pinamunuan ni Samuel Marata sa 14 puntos.