EL SEGUNDO, Calif. -- Pinapirma ng Los Angeles Lakers si free agent center Chris Kaman matapos lumipat si Dwight Howard sa Houston.
Nagtala si Kaman ng mga averages na 10.5 points at 5.6 rebounds sa 66 games para sa Dallas noong nakaraang season.
Ang kanyang one-year contract sa Lakers ay nagkakahalaga ng $3.2 milyon.
Ito ang magiging ikalawang season ni Kaman mula sa isang one-year contract.
Nagkaroon siya ng $8 million deal para maging starter sa Dallas sa nakaraang season ngunit ibinabad ni coach Rick Carlisle sa bench.
Naglaro rin ang 10-year NBA veteran para sa Clippers at New Orleans.
Napasama si Kaman sa 2010 All-Star team. Bilang dual citizen ng U.S. at Germany, lumaro siya para sa German team noong 2008 Beijing Olympics.