Holiday sa Pelicans, Nerlens sa 76ers

NEW ORLEANS -- Kinumpleto ng New Orleans Pelicans ang kanilang ikalawang trade nang kunin si Jrue Holiday mula sa Philadelphia kapalit ng karapatan kay rookie Nerlens Noel.

Ito ay napagkasunduan sa draft night nang hugutin ng Pelicans si Noel bilang No. 6 overall pick.

Ibinigay nila ang karapatan sa 76ers kasama ang 2014 first-round pick kapalit ni Holiday, nakapasok sa una niyang All-Star team noong nakaraang season.

Sinabi ni Pelicans general manager Dell Demps na si Holiday ay bagay na bagay sa kanilang koponan at “will be an integral addition to the Pelicans family for many years to come.’’

Makakasama ni Holiday sa Pelicans si Tyreke Evans, nakuha mula sa Sacramento.

Nakuha rin ng Pelicans ang karapatan kay No. 42 pick Pierre Jackson buhat sa Philadelphia.

Ikinunsidera si Noel bilang potential No. 1 pick kahit na nagkaroon siya ng ACL injury sa nag-iisa niyang season sa Kentucky.

 

Show comments