Tamaraws wala pa ring talo
MANILA, Philippines - Lalo pang pinagdiinan ng FEU na sila ang team-to-beat sa 76th UAAP men’s basketball nang buma-ngon sila sa malaking kalamangan bago tinalo ang La Salle sa overtime, 83-79, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
May walong puntos sa huling yugto si RR Garcia, si Terrence Romeo ay nagpakawala ng dalawang tres habang si Mark Belo ay umiskor sa ilalim para pagningasin ang 15-3 palitan na nagbangon sa koponan mula sa 60-73 iskor sa huling 2:36 sa regulation at magkaroon ng extention sa 75-all.
“The win says a lot about the character of the team. La Salle had a very good gameplan and it took us a while to adjust. But we had the players who can exe-cute,†wika ni Tamaraws coach Nash Racela.
Ang split sa free throw ni Jeron Teng ang nagpatikim ng huling kalamangan sa Green Archers sa 78-77, bago binigyan ng magandang assist ni Romeo si Garcia tungo sa lay-up habang umiskor si Roger Pogoy sa offensive rebound para itulak ang FEU sa 81-78 kalamangan.
May 25 puntos, 5 assists at 4 rebound si Romeo habang 19 ang ibinigay ni Garcia at si Belo ay mayroong 13 boards at 10 puntos. Nasayang naman ang 25 puntos at 15 rebounds ni Teng na may 2-of-5 shooting sa 15-foot line sa overtime para bumaba sa 2-2 ang La Salle.
Solidong numero naman ang ibinigay nina Karim Abdul, Aljon Mariano at Eduardo Daquioag para sa UST na gumamit din ng 16-5 palitan sa endgame tungo sa 88-77 panalo sa UE.
Nanatili sa ikalawang puwesto ang UST Tigers sa 3-1 baraha.
Si Roi Sumang ay may 21 puntos para sa Red Warriors.
- Latest