4th win asam ng Letran

MANILA, Philippines - Ang ikaapat na sunod na panalo ang hangad ng Letran sa pagharap sa host St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay nakatakda sa alas-6 ng gabi at balak ng Blazers na makaisang panalo matapos ang tatlong mapapait na kabiguan.

Unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon ang pagki­kita ng Lyceum at Perpetual Help at ang huli ay magsisikap na bumangon matapos lumasap ng unang pagkatalo sa kamay ng San Sebastian sa overtime, 77-78, noong Lunes.

Magiging balikatan ang bakbakan ng Pirates at Altas dahil ang mana­nalo ang aakyat para ma­kasalo ang pahingang San Beda sa 3-1 karta.

Tinalo ng Knights ang San Sebastian, 74-69, Emilio Aguinaldo Col­lege, 79-74, at Jose Ri­zal University, 69-66 sa overtime.

Ayaw magkumpiyansa ni coach Caloy Garcia dahil ang Blazers ay na­ging palaban pero mi­nalas lamang na hindi na­ku­kuha ang mahalagang break sa endgame at na­lasap ang pagkatalo sa Red Lions, Generals, at Jo­se Rizal University Heavy Bombers.

Show comments