MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataÂon ay bibisita si NBA suÂperstar LeBron James ng back-to-back NBA chamÂpions Miami Heat sa Pilipinas sa Hulyo 23.
Ito ang inihayag kahaÂpon ng Nike Philippines biÂlang bahagi ng kanilang ‘Leave a Message’ campaign na idinesenyo para maÂbigyan ng inspirasyon ang mga batang atletang FiÂlipino na magtiyaga at magÂpursige kagaya ni JaÂmes.
Matapos talunin ng Heat ang San Antonio Spurs sa NBA Finals para sa kanilang ikalawang sunod na korona, nakipagdiwang ang Nike sa pagdiriwang sa pamamagitan ng kaÂnilang ‘Leave a Message’ campaign sa mga soÂcial at digital message chanÂnels.
Itinampok dito ang pagÂbati sa answering machine kay James ng mga basÂketball stars at persoÂnaÂlidad na kanyang naÂging inspirasyon kagaya niÂna Spike Lee, Warren BufÂfet, Dr. Dre, Coach K, Phil Knight, Drake, Bill RusÂsell at mga batang muÂla sa The LeBron James Family Foundation.
Magkakaroon din ng tsansa ang mga Filipino fans na mag-iwan ng perÂsoÂnal message kay James sa pamamagitan ng social meÂdia katulad ng Twitter at Facebook, radio at retail activation na nagsimula na kahapon.
Sa pagbisita sa Nike BasÂketball Facebook at sa Twitter pages, maaaring mag-iwan ang mga fans ng kanilang mensahe para sa two-time champion at four-time MVP awardee na si James na kinilalang ‘The King’ sa NBA.
Maaaring makita ng mga Filipino fans ng perÂsoÂnal si James sa Hulyo 23.
Ang mga tiket ay ipaÂpaÂmahagi sa Nike Park sa Hulyo 17 sa ganap na alas-12 ng tanghali sa BoÂnifacio Global City.
Ito ay libre at ibibigay sa first-come, first-served baÂsis.