^

PM Sports

LeBron bibisita sa Pinas sa Hulyo 23

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakata­on ay bibisita si NBA su­perstar LeBron James ng back-to-back NBA cham­pions Miami Heat sa Pilipinas sa Hulyo 23.

Ito ang inihayag kaha­pon ng Nike Philippines bi­lang bahagi ng kanilang ‘Leave a Message’ campaign na idinesenyo para ma­bigyan ng inspirasyon ang mga batang atletang Fi­lipino na magtiyaga at mag­pursige kagaya ni Ja­mes.

Matapos talunin ng Heat ang San Antonio Spurs sa NBA Finals para sa kanilang ikalawang sunod na korona, nakipagdiwang ang Nike sa pagdiriwang sa pamamagitan ng ka­nilang ‘Leave a Message’ campaign sa mga so­cial at digital message chan­nels.

Itinampok dito ang pag­bati sa answering machine kay James ng mga bas­ketball stars at perso­na­lidad na kanyang na­ging inspirasyon kagaya ni­na Spike Lee, Warren Buf­fet, Dr. Dre, Coach K, Phil Knight, Drake, Bill Rus­sell at mga batang mu­la sa The LeBron James Family Foundation.

Magkakaroon din ng tsansa ang mga Filipino fans na mag-iwan ng per­so­nal message kay James sa pamamagitan ng social me­dia katulad ng Twitter at Facebook, radio at retail activation na nagsimula na kahapon.

Sa pagbisita sa Nike Bas­ketball Facebook at sa  Twitter pages, maaaring mag-iwan ang mga fans ng kanilang mensahe para sa two-time champion at four-time MVP awardee na si James na kinilalang ‘The King’ sa NBA.

Maaaring makita ng mga Filipino fans ng per­so­nal si James sa Hulyo 23.

Ang mga tiket ay ipa­pa­mahagi sa Nike Park sa Hulyo 17 sa ganap na alas-12 ng tanghali sa Bo­nifacio Global City.

Ito ay libre at ibibigay sa first-come, first-served ba­sis.

vuukle comment

BILL RUS

COACH K

FACEBOOK

GLOBAL CITY

HULYO

JAMES FAMILY FOUNDATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with