MANILA, Philippines - Patutunayan ngayong gabi ni Merlito Sabillo na kaÂrapat-dapat siya na maging hari sa WBO minimumÂweight division sa pagharap kay Jorle Estrada ng Colombia sa main event ng Pinoy Pride XXI sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.
Unang pagdedepensa ito ni Sabillo sa titulong hiÂnaÂhawakan matapos manalo kay Luis Dela Rosa ng CoÂlomÂbia noong Marso 9 sa pamamagitan ng isang eight round TKO.
“Tatlong buwan akong naghanda para sa labang ito. Napanood ko ang mga laban niya pero sa first round pag-aaralan ko pa rin ang ikikilos niya dahil iba ang tape sa aktuwal na laban,†wika ni Sabillo na hindi pa natatalo sa 22 laban at may 11 knockouts.
Wala ring problema sa timbang ang 29-anyos at tuÂbong Toboso, Negros Occidental na si Sabillo matapos pumasok siya sa 104 pounds.
Sa 103 pounds naman tumimbang si Estrada, nais na ipaghiganti ang kababayang si Dela Rosa.
“I am determined to bring the title back in Colombia. I have trained for three months and I feel that is enough to beat him,†ani ni Estrada.
Tatlo pang Filipin boxers ang makakasukatan ng mga dayuhan.
Si Arthur Villanueva ay makakabanggaan si Mexican Arturo Badillo para sa bakanteng WBO Asia-Pacific super flyweight, habang magbabalik si AJ Banal laban kay Abraham Gomez ng Mexico.
“Kung style lang niya ang pag-uusapan ay kaya ko siya. Naniniwala akong tatalunon ko talaga siya,†kumÂpiyansang sinabi ni Villanueva, tuÂmimÂbang sa 114 pounds na mas magaan ng isang pound kay Badillo (115 lbs).