^

PM Sports

Itataya ang kanyang WBO crown ngayon: Sabillo kontra kay Estrada

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patutunayan ngayong gabi ni Merlito Sabillo na ka­rapat-dapat siya na maging hari sa WBO minimum­weight division sa pagharap kay Jorle Estrada ng Colombia sa main event ng Pinoy Pride XXI sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Unang pagdedepensa ito ni Sabillo sa titulong hi­na­hawakan matapos manalo kay Luis Dela Rosa ng Co­lom­bia noong Marso 9 sa pamamagitan ng isang eight round TKO.

“Tatlong buwan akong naghanda para sa labang ito. Napanood ko ang mga laban niya pero sa first round pag-aaralan ko pa rin ang ikikilos niya dahil iba ang tape sa aktuwal na laban,” wika ni Sabillo na hindi pa natatalo sa 22 laban at may 11 knockouts.

Wala ring problema sa timbang ang 29-anyos at tu­bong Toboso, Negros Occidental na si Sabillo matapos pumasok siya sa 104 pounds.

Sa 103 pounds naman tumimbang si Estrada, nais na ipaghiganti ang kababayang si Dela Rosa.

“I am determined to bring the title back in Colombia. I have trained for three months and I feel  that is enough to beat him,” ani ni Estrada.

Tatlo pang Filipin boxers ang makakasukatan ng mga dayuhan.

Si Arthur Villanueva ay makakabanggaan si Mexican Arturo Badillo para sa bakanteng WBO Asia-Pacific super flyweight, habang magbabalik si AJ Banal laban kay Abraham Gomez ng Mexico.

“Kung style lang niya ang pag-uusapan ay kaya ko siya. Naniniwala akong tatalunon ko talaga siya,” kum­piyansang sinabi ni Villanueva, tu­mim­bang sa 114 pounds na mas magaan ng isang pound kay Badillo (115 lbs).

ABRAHAM GOMEZ

DELA ROSA

GRAND BALLROOM

JORLE ESTRADA

LUIS DELA ROSA

MERLITO SABILLO

MEXICAN ARTURO BADILLO

SABILLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with