MANILA, Philippines - Si Beau Belga ang pinakahuling idinagdag sa National training pool at siya ang tanging natanggal sa Gilas Pilipinas II na kakampanya sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ibinunyag kahapon ni head coach Chot Reyes ang kanyang Final 12 na isinumite sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Ang mga bumubuo sa Final 12 ay sina 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit, June Mar Fajar-do, Ranidel de Ocampo, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Larry Fonacier, LA Tenorio, Jayson Castro at team captain Jimmy Alapag.
Wala sa nasabing listahan ang pangalan ni Belga ng Rain or Shine na iginiit nina Douthit at Alapag na isama sa final line-up.
“Beau Belga: the ultimate professional. Tough to tell him. But in the end he understood whats best for the team. Dakila ka,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachchot.
Hindi naman sumama ang loob ng 6-foot-5 na si Belga, ang huling player na idinagdag ni Reyes sa Gilas II training pool.
“Salamat coach...Thank you rin sa pagtitiwala,†sagot ni Belga, kasama ng Nationals sa New Zealand para sa isang 10-game training bilang paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships, ang qualifying meet para sa 2014 FIBA World sa Spain.
Nakatakda ang natu-rang torneo sa Agosto 1-11 at idaraos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Haharapin ng tropa ang Hawkes Bay Hawks sa Biyernes sa Sabado at sasagupain ang NBL All Stars sa Linggo kasunod ang Wellington Saints sa Hulyo 16 at ang Auckland Rangers sa Hulyo 17 at ang Tall Blacks (New Zealand national team) sa Hulyo 18.
Ang bonus sa kanilang six-game series ay isang five-day clinic sa ilalim ni coach Tab Baldwin.
Si Baldwin ang bench tactician na gumiya sa New Zealand sa semifinal finish sa 2002 world championships at tumulong sa Lebanon sa paghahari sa 2010 FIBA-Asia Stanko-vic Cup at binanderahan ang Jordan sa second-place finish noong 2011 FIBA-Asia Championships sa Wuhan, China.
Nauna nang nagdaos ng training camp ang Gilas Pilipinas sa Lithuania.