Nakakuha ng mahusay na player ang Sacramento Kings para palakasin ang kanilang small forward position matapos bigyan ang Milwaukee Bucks ng draft compensation at kaluwagan sa salary cap.
Ibinigay ng Bucks si forward Luc Mbah a Moute sa Kings kapalit ng 2016 second-round draft pick, ayon sa taong may kinalaman sa deal.
“Just landed in Cameroon and got told I’ve been traded to Sacramento!!’’ sabi ni Mbah a Moute sa kanyang Twitter page.
Ang 6-foot-8, 230-pound forward ay naging standout defender sapul nang siya ay hugutin bilang 37th overall mula sa UCLA ng Bucks noong 2008. May natitira pa siyang dalawang taon sa four-year deal na nagkakahalaga ng $19 million na pinirmahan niya bilang restricted free agent bago ang lockout-shorted 2011-12 season.