NEW YORK – Maagang nag-ingay ang Houston Rockets tungkol kay Dwight Howard.
Kinumpirma ng league spokesman na ang koponan ng Rockets at ang kanilang mga personnel ay pinagmulta ng $150,000 ng NBA dahil sa mga komento tungkol sa All-Star center habang umiiral pa ang moratorium period ng liga na matatapos na nitong Martes ng gabi.
Nakatakda nang iwanan ni Howard ang Los Angeles Lakers para lumipat sa Houston matapos makipagkasundo sa Rockets noong Biyernes at agad nagpa-interview si Rockets general manager Daryl Morey nang gabing iyon sa Comcast SportsNet Houston kung saan tinalakay niya ang kanilang pagkakakuha kay Howard.
Nagsalita rin si coach Kevin McHale tungkol kay Howard nitong weekend sa Orlando Summer League.
Bagama’t nagbukas ang free agency noong July 1, magiging opisyal lamang ang mga deals nitong Miyerkules na araw ng pagpapatupad ng bagong sa-lary cap.
Ang bagong salary cap ay itinakda sa $58.7 million.
Ang tax level ay $71.7 million, kung saan mas mabigat ang parusa para sa mga teams na lalagpas dito.
Noon ay nagbabayad ang mga teams ng $1 sa bawat $1 na sosobra ngunit ngayon ay $1.50 ang multa kapag lumagpas sa bagong salary cap at mas malaki pa kapag mas mataas ang sobra.