Dayuhang boxers determinadong pabagsakin ang mga Pinoy pugs
MANILA, Philippines - Hindi sasayangin ng tatlong dayuhang boksingero ang iginugol na panahon sa pagsasanay para matalo lamang sa gaganaping Pinoy Pride XXI sa Sabado sa Solaire Resorts and Casino Grand Ballroom sa Parañaque City.
Dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate sina Colombian boxer Jorle Estrada at mga Mexican pugs na sina Arturo Badillo at Abraham Gomez para iparating ang kanilang kahandaan na talunin ang mga tinitingalang boksingero ng bansa.
Tampok na laban ang susuungin ni Estrada dahil susukatin niya ang bagong kampeon sa WBO World minimumweight na si Merlito “Tiger†Sabillo.
“This is my first time to be in the Philippines and I’m happy to fight Sabillo. It doesn’t matter if the fight is held here or in Colombia because I’m here to win this fight,†pahayag ni Estrada, may 17 panalo sa 23 laban kasama ang 6 KOs, gamit ang interpreter.
Tatlong buwan na naghanda ang 24-anyos na challenger at sa kanyang paniniwala ay kaya niyang kunin ang panalo sa pamamagitan ng seven round knockout.
May kumpiyansa rin sina Badillo at Gomez na mananalo kina Arthur Villanueva at ang nagbabalik na si AJ Banal na mga supporting bouts sa paboksing na handog ng ALA Promotions katuwang ang ABS-CBN.
Ang mga magtatapat na boksingero ay magkikita sa Huwebes sa press conference habang ang weigh-in ay gagawin sa Biyernes sa MOA.
- Latest