Bakit iniwan ni howard ang LA Lakers?

Simula’t sapul, alam nating walang balak tumagal si Dwight Howard sa Los Angeles Lakers dahil sini-guro niya bago pumirma ng kontrata na matapos ang isang season ay puwede siyang umalis sa koponan.

At nangyari na nga ito.

Kahit anong ginawang pagkumbinsi ng Lakers team maging ang mga fans na manatili siya sa Los Angeles, nagdesisyon pa rin si Howard na iwan ang Lakers at lumipat sa Houston Rockets.

Mahirap isiping mananatili si Howard sa Lakers.

Una, hindi sila magkasundo ni Kobe Bryant.

Ilang beses na nagkakatinginan ng masama ang dalawa sa court.

Hindi rin niya kasundo si Steve Nash.

Hindi rin niya magamayan ang sistema sa opensa  ni coach Mark D’Antoni.

Sabi ni Shaquille O’Neal, ayaw ni Howard ng pressure sa paglalaro sa isang sikat na team kaya lumipat siya sa di gaanong sikat na team ng Houston.

Puwede nating sabihin na ‘safe move’ ang ginawa ni Howard dahil aminin natin, medyo tumatanda na rin ang Lakers, marami nang may injury.

Mas batang team ang Rockets kumpara sa La-kers at umaasa si Howard na sa Houston siya makakatikim ng hinahanap niyang NBA title.

Isa pa, magiging star player nga naman si Ho-ward sa Houston, hindi tulad sa Lakers na ang naghahari ay si Kobe.

Ngunit teka, luluwag daw ang salary cap ng Lakers sa susunod na summer kaya magagawa nilang palakasin ang team para manalo ng championship...ahh hindi... championships..take note...with ‘s.’

So... tama nga ba ang naging desisyon ni Ho-ward? Abangan natin ang mga susunod na kabanata.

 

Show comments