MANILA, Philippines - Isang two-year, $6.5 million deal ang ibinigay ng Milwaukee Bucks kay Carlos Delfino kasama ang isang team option sa ikatlong taon na maaaring magbigay sa kanya ng $10 milyon, ayon sa mga league sources sa Yahoo! Sports.
Nagkaroon ng magandang laro ang 30-anyos na si Delfino para sa Houston Rockets kung saan siya nag-lista ng average na 10.6 points per game at may 37.5 percent shooting sa 3-point range.
Makakasama ni Delfino sa backcourt ng Bucks si free-agent guard O.J. Mayo bilang kapalit nina Monta Ellis at J.J. Redick sa posisyon.
Inaasahang tatapatan ng Bucks ang anumang offer sheets para kay restricted free-agent Brandon Jennings para maibalik siya sa isang long-term deal.
Siksikan na ang frontcourt ng Bucks dahil naririyan na sina Larry Sanders, John Henson, Ekpe Udoh at Ersan Ilyasova.
Idagdag pa sa listahan si Zaza Pachulia.
Nakipagkasundo ang Bucks sa three-year deal na nagkakahalaga ng $15.6 million kay Pachulia, ayon sa mga ulat.