Lakers interesado kay Kaman

MANILA, Philippines - Matapos iwanan ni Dwight Howard ang Los Angeles, tila magkakasundo na ang Lakers at si free-agent center Chris Kaman, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

May iba pang teams na nagkakainteres kay Kaman, kabilang ang Golden State, Atlanta, Sacramento at New York, ayon sa mga sources.

Nasa kaagahan pa lamang ng negosasyon ngunit si Kaman ay may reputasyong masipag, maaasahang 7-footer na makakatulong sa team.

Ginugol ni Kaman ang kanyang unang walong taon sa NBA sa Los Angeles Clippers, at interesado itong lumipat sa Lakers.

 

Show comments