Pinoy Pride XXI sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ang mga foreign boxers na sasabak sa Pinoy Pride XXI ang magiging panauhin ngayong umaga sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Si Colombian Jorle Estrada ang mamumuno sa guests list sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakeys at ng Philippine Amusements and Gaming Corporation.

Hahamunin ni Estrada si Filipino champion Merlito Sabillo ng ALA boxing stable para sa World Boxing Organization (WBO) minimumweight title sa Solaire Casino and Resort Hotel sa Sabado.

Si Estrada ay sasamahan nina Mexican fighters Arturo Badillo at Abraham Gomez.

Lalabanan ni Badillo si Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super-flyweight title holder Arthur Villanueva, habang sasagupain ni Gomez si AJ ‘Bazooka’ Banal.

Bisita rin sa unang bahagi ng pang-alas-10:30 ng unang sesyon si Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) president Ting Ledesma na tata-lakayin ang 19th Southeast Asian Table Tennis Association (SEATTA) junior championships sa Hulyo 12-16 sa Harrison Plaza Mall.

Iniimbitahan ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror ang lahat ng miyembro na dumalo.

 

Show comments