MANILA, Philippines - Sinabi ng dating NBA star na si Shaquille O’Neal na umiwas lamang si Dwight Howard sa pressure kaya iniwanan nito ang LA Lakers at lumipat sa hindi masyadong sikat na team ng Houston.
Kilala si O’Neal sa tahasang paghahayag ng kanyang opinion lalo na sa mga players na hindi niya gusto.
Inihayag ni O’Neal ang kanyang opinion sa pagbisita sa Daytona International Speedway para i-promote ang pelikulang ‘Grown-Up.’
“It was expected,’’ ani Shaq. “We’ve all been in LA, and not a whole lot of people can handle being under the bright lights. Everybody wants to do it, but when you get there, there are certain pressures. I think it was a safe move for him to go to a little town like Houston. That’s right, little town. I said it.’’
Lumaro si Shaquille O’Neal sa NBA mula 1992 hanggang 2011, lumaro siya sa Los Angeles Lakers mula 1996 hanggang 2004.
Kabilang sa mga binatikos niyang players ay sina David Robinson, Alonzo Mourning, Kobe Bryant at Chris Bosh at ngayon ay si Howard.
Para sa inyong kaalaman, ang Houston ay ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa United States, mas malaki ng limang beses sa population ng Miami, kung saan na-trade si O’Neal noong 2004.
Di tulad kay O’Neal, simple lang ang naging reaksiyon ni Bryant.
Matapos ihayag sa publiko na nakipagkasundo na si Howard sa Houston Rockets noong Biyernes ng gabi, nagposte ng isang litrato ang Los Angeles Lakers All-Star players na si Bryant sa kanyang Instagram account.
Litrato nila ito ni Pau Gasol habang naglalakad sa court at may hashtags na “#vamos #juntos #lakercorazon #vino.â€
Sinasalamin nito ang magandang samahan nina Bryant at Gasol.
Pagkatapos nito ay ini-unfriend ni Bryant si Ho-ward sa Twitter.