Back-to-back sa San Beda
MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ng San Beda sa second half para sa 80-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Naunang nagtrabaho si Art Dela Cruz Jr. sa first half bago pinalitan nina Baser Amer, Rome dela Rosa at Kyle Pascual sa huling 20 minuto ng labanan upang ipatikim kay coach Boyet Fernandez ang kanyang kauna-una-hang back-to-back wins tungo sa 3-1 karta.
“Credit to the boys because they simply don’t want to lose this game,†wika ni Fernandez. “We started flat but they stepped up their game in the second half.â€
May14 sa 19 puntos si Dela Cruz sa first half para sa Lions na naiwanan ng limang puntos sa halftime, 34-39.
Ngunit nag-iba ang mindset ng koponan sa pagpasok ng third period dahil naglapat sila ng magandang depensa para pagningasin ang kanilang running game at kunin ang yugto, 24-13, at ang kalamangan sa laro, 58-52.
Si Amer ay nagdagdag ng 14 puntos at ang kanyang 3-point play at magkasunod na lay-ups ang nagpasiklab sa 11-2 bomba para hawakan ng Lions ang 80-62 bentahe.
Nalaglag ang Gene-rals sa ikatlong pagkatalo matapos ang apat na laro at malaking kadahilanan sa pagkatalong ito ay ang kawalan ng inside game dahil sa injury sa tuhod ni Noube Happi.
Samantala, hinagip ng San Beda Red Cubs at San Sebastian Staglets ang ikaapat na sunod na panalo para manatiling nangunguna sa juniors division.
Limang manlalaro ng San Beda ang tumipa ng 10 puntos pataas para sa 108-59 pangingibabaw sa Emilio Aguinaldo College Brigadiers habang ang Staglets ay humugot ng puntos sa lahat ng 14 manlalaro sa 110-75 panalo sa Perpetual Help Altalettes.
Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Perpetual at San Sebastian sa ikalawang seniors game.
- Latest