Smith pumayag sa $56M deal sa Pistons

MANILA, Philippines - Pumayag si free agent Josh Smith sa four-year, $56 million deal sa Detroit Pistons, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Ang Pistons ang seryosong naghabol kay Smith at nakipagkasundo ang mga agents na sina Brian Dyke at Wallace Prather kay Detroit ge-neral manager Joe Dumars nitong Sabado ng umaga, ayon sa sources.

Ang 27-gulang na 6’9 forward na si Smith ay isa sa pinakamahusay na player sa  NBA,  ay nag-average ng 17.5 points, 8.4 rebounds at 4.2 assists para sa Atlanta Hawks nitong nakaraang season.

Show comments