MANILA, Philippines - Sinandalan ng Cignal HD ang talento ng kanilang mga manlalaro para maikasa ang 25-22, 25-17, 25-23, sa Petron sa pagsisimula kahapon ng Philippine Super Liga women’s volleyball sa Philsports Arena sa Pasig City.
Hindi naman nagpahuli ang PLDT MyDSL na nakasalo agad sa lide-rato sa anim na koponang liga nang bumangon mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 22-25, 25-19, 25-22, 25-20, panalo sa PCSO Bingo Milyonaryo.
Nagtatagisan pa habang isinusulat ang balitang ito ang TMS-Philippine Army at Cagayan Valley sa ikatlong laro at ang mananalo ang kukumpleto sa 3-way tie sa 1-0 baraha.
“Dalawang araw lamang kaming naka-paghanda kaya ang sinabi ko lamang sa mga players ko ay mag-enjoy sa laro. Tutal lahat naman ng kasali ay kulang din sa preparasyon,†wika ni Cignal coach Sammy Acaylar.
Si Venus Bernal na dating star player ng UST ay mayroong 14 kills tu-ngo sa 17 puntos pero nakatulong niya sina Danika Gendrauli at Honey Rose Tubino para sa magarang panimula sa anim na koponang liga.
May 12 puntos si Gendrauli na dating manlalaro ng Southwestern University habang 11 pa ang ibinigay ni Tubino na manlalaro ni Acaylar sa Perpetual Help na siyang NCAA champion sa women’s volleyball.
Si Aiza Maizo-Pontillas ay may 11 puntos pero ang sumunod na scorer ng Petron ay si Angeli Tabaquero ay may siyam na hits lang. Sina Gretchen Ho at Charo Soriano na dating mga kamador ng Ateneo ay nalimitahan sa 2-puntos.