MANILA, Philippines - Naobserbahan na nina coaches Tim Cone at Rajko Toroman ang Gilas Pilipinas sa practice at nagustuhan nila ang kanilang nakita.
“I attended a couple of Gilas practices. (I’m) Really impressed by the intensity, chemistry and togetherness of the team,†sabi ni Cone sa kanyang Twitter account.
Bumilib si Cone kay coach Chot Reyes na inilarawan niyang ‘great leader.’
Bilib din si Toroman matapos makita ng personal ang Gilas Pilipinas na nanalo sa Barako Bull team, 84-67 sa isang tune-up game sa Ynares Center sa Pasig noong Sabado.
Naniniwala sina Cone at Toroman na magagawa ng Philippine team ang layunin na makapasok sa top three sa 16-nation Asian competition para makakuha ng slot sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Hindi pa nakakalaro ang Philippines sa world championships sapul nang maging host ng bansa ang 1978 world championships.
Sinabi ng Serbian mentor na isang kompetitibong koponan ang Gilas Pilipinas dahil kumpleto ng players ang lahat ng posisyon.
Ayon kay Toroman, ang Team Phl ay may size, shooters at defenders, at kaya nilang makipagsabayan sa mga bigating kalaban sa Asian meet sa Aug. 1-11 sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Sina Cone at Toroman ay pamilyar sa Asian basketball, dahil pareho silang nag-coach na para sa National team.
Si Cone ang naghatid sa Nationals sa bronze-medal finish noong 1998 Bangkok Asian Games habang si Toroman ang nagdala sa Iran sa FIBA Asia title noong 2007.