MANILA, Philippines - Sa mas mababang kaÂtunggali magtatangka ang El Libertador na nakatiÂkim muli ng panalo sa isang stakes race.
Ang kabayong pag-aari ni Mandaluyong City MaÂyor Benhur Abalos ay tatakbo sa 3rd leg ng Hopeful Stakes race sa Hulyo 13 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May 12 kabayo pero 11 ang opisyal na bilang na tatakbo sa stakes race na ito na sinahugan ng P1 milyon premyo ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Ang iba pang kasali ay ang coupled entries Big Boy Vito at Señor ViÂto, CapÂtain Ball, Five Star, HaÂring Benedict, Mrs.TeaÂpot, My Champ, NurÂture Nature, Right Direction, Santino’s Best at Sharp Shooter.
Naunang inasahan ang El Libertador na matutulad sa stablemate na Hagdang Bato na kikinang sa premyadong karera para sa mga 3-year old horses na Triple Crown.
Ngunit hindi tumimbang ang kabayo na isang mulÂtiple stakes race winner na sa taon kaya’t taÂtakbo na lamang ito sa Hopeful na gagawin din sa makapigil-hiningang 2,000-metro.
Ang Captain Ball at HaÂring Benedict ay napaÂlaban na rin sa naunang mga yugto ng Triple Crown ngunit di rin kumiÂnang.